
Photo by chepté cormani on <a href="https://www.pexels.com/photo/black-rotary-telephone-on-white-surface-1416530/" rel="nofollow">Pexels.com</a>
S – Scripture:
📖 “Kaya’t humayo kayo at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.” – Mateo 28:19
L – Lesson:
Ang tinatawag nating “Great Commission” ay hindi lang utos para sa mga pastor, misyonero, o full-time workers. Ito ay utos ni Jesus sa lahat ng Kanyang tagasunod. Kapag tinanggap natin si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, kasama na roon ang panawagang ibahagi Siya sa iba. Madalas, iniisip natin na ang misyon ay para lamang sa mga may “calling.” Pero ang totoo, lahat tayo ay tinawag. Ang simbahan ay hindi manonood lamang — ito ay mga manlalarong kasali sa laban. Kung ikaw ay bahagi ng katawan ni Cristo, hindi mo na kailangang maghintay ng espesyal na paanyaya para kumilos. Kasama ka na sa misyon!
A – Application:
Saan ka inilagay ng Diyos ngayon? Sa paaralan? Trabaho? Pamilya? Sa Facebook o group chat? Doon ka pwedeng magsimula. Hindi kailangang agad mag-preach sa stage. Maari kang maging saksi ni Cristo sa paraan ng iyong pamumuhay, pakikitungo sa iba, at simpleng pag-share ng kwento mo. Tanungin mo si Lord: “Paano ako makikilahok sa Iyong misyon ngayon?”
P – Prayer:
Panginoon, salamat na ako’y kasama sa Iyong layunin. Buksan Mo ang aking puso at isipan upang makita ko ang mga pagkakataon na ibahagi Ka. Bigyan Mo ako ng tapang upang sumunod sa Iyong utos. Amen.
About The Author
Discover more from COMMUNICATIONS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.